Sunday, October 16, 2011

MAiKLiNG KWENTO (KALiKASAN: Si Lyka)

Si Lyka ay walong taong gulang na. Mahilig siyang magkalat kung saan-saan. Wala siyang pakialam sa kalikasan. Basta siya ay tapon ng tapon na lamang sa mga lugar na kaniyang dinadaanan. Dahil sa mga basura na ito, naging sanhi ito ng pagbaha sa kanilang bahay. Nagbara kasi ang mga kinalat niya sa daluyan ng tubig. Pag-uwi niya galing sa eskwelahan ay baha na sa kanilang bahay.Nagulat siya sa pangyayari na iyon dahil hindi niya akalain na ang pagwawalang-bahala sa mga kalat na tinatapon niya kung saan-saan ay naging sanhi ng pagbaha sa kanila. Wala na siyang nagawa kundi umiyak ng umiyak. Dahil dito, natuto na siya na sa susunod ay hindi niya ito gagawin at hindi na muling mauulit pa.

MAiKLiNG KWENTO (WIKANG FILIPINO: Si Lino)

Si Lino ay nasa isang handaan. Naimbitahan kasi siya sa isang kasalan. Ang ikinasal ay ang kanyang matalik na kaibigan na nag-ngangalang Filip. Marami ang naging bisita dito, mayroong mga turista ding dumating dahil ang matalik na kaibigan ni Lino ay may kaya. Kaya ang mga dumalo dito ay mukhang may mga kaya rin. Ipinakilala ni Filip si Lino sa mga bisita nito. "Nice to meet you!", sabi ng Amerikano. Si Lino ay napatulala na lamang at hindi nakakibo. "What's your name?", ang sabi muli ng Amerikano. Si Lino ay wala pa ring kibo at nagtataka siya sa mga sinasabi nitong Amerikano. Hindi kasi niya alam ang mga ibig sabihin ng lahat ng iyon. Siya ay purong Pilipino. Sadyang Wikang Filipino lang talaga ang kaya niyang intindihin at unawain. Nasabi na lamang niya sa kanyang sarili na, "Basta! Masaya ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Ipagmamalaki ko ang Wikang Filipino".

Saturday, October 15, 2011

ALAMAT NG KEYBOARD

Noong unang panahon, mayroong isang batang lalaki na nagngangalang Key. Siya ay nakatira isang kabundukan at wala silang kapit-bahay doon. Malayo ang mga magagandang lugar na maaaring puntahan. Tulad ng mga Mall, Simbahan, Pamilihan, Ospital at marami pang iba. Si Key ay kilala sa pagiging pasaway at ang pagiging tamad. Isang araw ay nautusan siya nang kanyang ama na pumunta sa palengke upang bumili ng bigas. Habang siya ay nasa pamilihan na ay mayroon siyang nakitang pulubi na nanghihingi ng tulong. Ito'y matanda na, mabaho, madumi, at pinandidirian ng mga tao. Natunggo ni Key ang pulubi.Nalaglag ang kanyang pinamiling bigas, dahil sa kanyang katamaran ay iniutos niya ito sa pulubi na pulutin at iabot sa kanya. Pinulot ito ng matanda at inabot sa kanya.Makalipas ang ilang segundo ay nag-iba ng anyo ang pulubi. Ito ay naging isang napakagandang babae, mabango, mahaba ang buhok, matangkad at pinagtitinginan siya ng tao. Bilang kaparusahan kay Key ay sinabi niya rito na, "Dahil sa pagiging tamad mo at pagiging pasaway ay gagawin kitang kapaki-pakinabang sa mga tao, lahat ng bagay na iuutos sa iyo ay dapat na gawin mo". At simula noon ay nagbago na ang anyo ni Key at naging parihaba na may mga letra, numero at simbolo at tinawag na siyang "KEYBOARD".

MAiKLiNG KWENTO ( PAG-iBIG)

VALEN at TINE

Nagkakilala sina Valen at Tine sa eswelahan kasalukuyang JS Prom nila. ito ay naganap noong February 14, 2008. Si Valen ay nas ika-apat na antas na ng Sekondarya at si Tine naman ay nasa ikatlo na ng antas ng Sekondarya. Masaya ang kanilang relasyon. Sila ay legal na legal sa pamilya nilang dalawa. Sa tuwing may lakad sila Tine kasama niya ang kaniyang mga pamilya ay kasa-kasama si Valen sa kanila. Ngunit dahil lamang sa isang pagkakamali at isang mababaw na rason ay nag-hiwalay na.

Nakakalungkot man isipin dahil sa tinagal nila ay ganoon lang ang mangyayari. Sobrang palagay na ang loob nila sa isa't isa at pati na rin sa pamilya nilang dalawa. Sa araw-araw pa naman ng kanilang pag-sasama ay lagi silang masaya at naglalambingan. Subalit nang dahil dun ay nagsawa ang isa at naglahong parang bula ang lahat.

Wala namang nagawa si Valen nung nakipaghiwalay sa kanya si Tine. Siyempre nasaktan siya. Pero hindi niya kayang magmakaawa kay Tine para wag siyang hiwalayan. Tumagal din sila ng tatlong taon at apat na buwan. Matagal ang kanilang pinagsamahan. Pero nabalewala lang dahil sa isang mababaw na rason. Sawa na daw si Tine sa kanya. Ayaw na daw niya ng paulit ulit na nangyayari sa kanila. Boring na daw ang kanilang mga usapan, text, tawagan. Wala na daw romance.
     Sabi nga nila, ang lahat ay may katapusan. Pero pati ba naman sa pag-ibig?
     Bakit ganun? Parang hindi patas.
     Si Valen na nga ang nagmahal ng lubusan tapos siya pa ang nasaktan ng lubusan. Iyak ng iyak si Valen nang gabing iyon na tumawag si Tine para makipaghiwalay. Hindi siya nakatulog nang maayos. Kahit sa panaginip ay dinalaw siya ng anino ng kanilang nakaraan. Pero tapos na ang lahat sa kanila. Sa bawat araw na nagdaraan ay inunti-unti ni Valen na hilumin ang sugat na tinamo ng kanyang puso. Alam niyang lilipas ang araw ng paghihirap at sisikat ang araw ng tunay na pag-ibig.

SANAYSAY

Ang aking masasabi sa mga nag-daang dalawang bagyo ay mapalad ako at ang aking pamilya sapagkat hindi kami inabot nang baha. Maraming lugar ang nalubog at nasalantsa nito. Nawalan ng kuryente, nagbuwalan ang mga poste at puno, walang makain ang ibang pamilya at higit sa lahat wala na silang tirahan dahil ito ay lubog na. Habang nanunuod ka ng balita, yung mga kababayan mong Bulakenyo na mga nasa bubongan na ng kanilang bahay,at malapit nang abutin ng tubig ang kinalalagyan nila. Gusto kong tumulong pero wala akong magawa kundi mag-dasal na lamang sa ating Poong Maykapal. Nakakakilabot at syempre nakakaawa lalo na alam kong may mga kaibigan akong nakatira sa Calumpit, Bulacan at Hagonoy, Bulacan.

TALAMBUHAY

Ako si Joyce Christine Arceo Esguerra, labing-pitong taong gulang. Anak nina Juanito Torres Esguerra at Rosalie Arceo Esguerra. Nakatira sa 395 Olympia, Subdivision, Poblacion, Pulilan, Bulacan. Ako ngayon ay nag-aaral sa Bulacan State University, nasa ika-unang antas nang Kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information and Communications Technology. Ako ay nag-aral ng Pre-school at Elementarya sa Colegio de Santa Philomena, Paltao, Pulilan, Bulacan. At nag-sekondarya naman sa St. Dominic Academy, Pulilan, Bulacan. Marami akong kaibigan. Ako yung taong simple, mapagmahal, mapangunawa, may mahabang pasensya, mabait, palakaibigan, mahiyain, totoo, moody, palatawa, at marami pang iba. Sa akin, hindi mo kailangan magpatawa o makipag-usap sa espesyal na paraan para maging close tayo. Hindi mo kailangan isuot ang magagara at mamahalin mong damit at sapatos. Hindi mo kailangang ipakitang masaya ka kung malungkot ka. Sa akin, pwede kang umiyak, tumawa nang malakas na parang wala ng bukas, sabihin lahat ng nararamdaman at problema o huwag ka na lang kumibo. Hindi mo kailangan gawin ang lahat para maging close tayo. Kasi sa akin, maaappreciate ko kung ano ka at sino ka. Gusto kong malaman ng lahat nang nakakakilala sa akin kung ano at sino ang tunay na ako. Handa akong tumulong sa lahat ng nangangailangan ng tulong ko basta kaya ko at gusto ko ding maramdaman nila na mahalaga sila sa akin. Hindi ako ganoong kasipag as what my parents want pero ginagawa ko lahat ng aking makakaya para maging mabuting anak.